Suspek sa Ramgen slay ipinasasailalim sa WPP

HINILING ngayon ng abogado ng mga suspek sa Ramgen slay case na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang kanyang mga kliyente para maprotektahan ang kanilang nanganganib na buhay.

Ayon kay Atty. Analuz Crystal ay dapat mabigyan ng proteksyon ang kanyang mga kliyenteng sina Michael Natea at Francis Tolisora, ang mga itinuturong suspek sa pagpaslang kay Ramgen Revilla at bigong pagpatay kay Janelle Manahan.

Ayon kay Crystal, nais nilang ilipat sa Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong murder at frustrated murder na isinampa sa dalawang suspek.

Sinabi pa nito na dapat ma-dismiss ang kaso nina Nartea at Tolisora dahil hindi naman umano ang mga ito ang tunay sa suspek.

Batay sa salaysay ng dalawang suspek sa kanilang sinumpaang salaysay, sina Lim Komeda at Roel Puzon ang tunay na suspek, dahil ang mga ito ang ipinalit sa kanila matapos magdesisyong umatras sa pagpaslang kay Ramgen.

Una ng inihayag ni Nartea na alam ng pamilya Bautista ang gagawing pagpaslang kay Ramgen pati na ang lahat ng mga tao sa kanilang bahay maliban lamang sa personal assistant ng biktima na si Ronald Ancajas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply