Suspek sa tangkang pagpatay kay Pilar Pilapil, naka-freeze na ang mga pag-aari

PINIGIL na ng Court of Appeals (CA) ang mga transaksyon sa bank account at iba pang assets ng pangunahing suspek sa pagdukot at tangkang pagpaslang kay movie actress Pilar Pilapil.

Sa inilabas na resolusyon, inutusan ng CA ang Bank of Philippine Insland (BPI)at Land Transportation Office (LTO) na i-hold ang anumang transaksyon kaugnay sa account at mga sasakyan ni Rosel Jacosalem Penias na nahaharap sa kasong kidnapping at frustrated murder dahil sa umano’y  mastermind sa pagdukot sa aktres.

Sakop din ng 20-day freeze order ang assets at bank accounts ng kapatid ni Penias na si Evalyn Jacosalem at biyenan nitong si Luzvilla Agustin.

Si Penias ay maybahay ng nakababatang kapatid ng asawa ni Pilapil at nawala ito kasama ang kaniyang sasakyang noong gabi nang pag-atake sa aktres noong Abril 14. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply