Suspensyon ng mga bus company kinondena

KINONDENA ng isang jeepney transport group leader ang ginawang kanselasyon at suspensyon ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa dalawang bus company at 18 iba pa dahil umano sa paglahok sa transport strike nitong nakalipas na taon.

Sa text message na pinadala ni Efren de Luna, presidente ng Alliance of Concerned Transport Organizations (Acto), sinabi nito na tuluyan ng pinatay ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng DOTC at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karapatan ng mga ordinaryong driver at operator na sa pamamagitan ng strike ay ipabatid ang kanilang karaingan sa gobyerno.

Ayon kay De Luna nilabag ng DOTC at LTFRB ang legal opinion ng Supreme Court (SC) na walang masama at walang nagbabawal na maglabas ng mga hinaing sa kalsada ang mga driver upang maiparating sa gobyerno ang karaingan ng mga ito.

Idiniin pa ni De Luna na hindi makatarungan ang Memorandum Circular (MC) na nagbabawal sa mga transport group o mga ordinayong driver na magsagawa ng mga pagpapahayag sa kalsada.

“Ito ba ang kahulungan ng Demokrasya? Nasaan ang kalayaang magpahayag kung susupilin ito sa pamamagitan ng isang MC?” tanong ni De Luna.

Nauna rito pinagtibay ng ni Secretary Mar Roxas ng DOTC ang naunang order ni LTFRB Chairman Jaime “JJ” Jacob sa pagkansela sa franchises ng Corinthian Bus Liner (121 units) at Jell Transit (128 units) at pagsuspinde ng anim na buwan sa Voyager Express Liner (11 units) at Angelito Chang-Elena Liner, (28 units) bunga ng nakalipas na transport strike ng mga ito nang nakalipas na taon.

Ayon kay De Luna nagluluksa ang transport sector sa nagyayaring panlulupig sa kanilang hanay. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply