Suzuki Raider Breed Wars, huling hirit bago ang Finals

MATAPOS lusubin ng Suzuki Raider Breed Wars ang Davao del Norte at Zambales ilang linggo na ang nakakaraan, sunod naman nilang ni-raid ang Pampanga noong Linggo, Nobyembre 6.

Hinamon ng Suzuki ang mga Mekeni riders at matapang namang hinarap ito ng mga Kapampangan.

Nagbunyi ang Kapampangan na si Maico Adapon matapos niyang makuha ang tropeo para sa R150 category, laban kina Norvin Dizon (2nd) at Eldiemar Publico (3rd).

Muling itinayo ni Dizon ang kanyang bandera nang ipagdamot nito ang titulo ng Raider J Champ ng Pampanga mula kina Adrian Gonzales (2nd) at Gail Sarmiento (3rd).

Wild kung sa wild ang naging bakbakan nina Publico, Adapon at Dizon sa Wild Card category ng Raider Breed Wars-Pampanga, kung saan si Publico ang nagwagi.

Matapos ang ilang buwang pag-ikot ng Suzuki Raider Breed Wars sa buong bansa, 36 finalists ang maglalaban sa tatlong kategorya ng Suzuki Raider Breed Wars 2 championship round: “The Quarter Mile Battle. Ang papremyo ay aabot sa halos P50,000.00.

Manatiling naka-antabay para sa petsa at lugar ng Championship round, o di kaya’y mag-log-in  sa Facebook at hanapin ang account na Suzuki Bikers Fed.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply