Taas pasahe o baba EVAT?

BASTA problema yata ni Juan ang nakasalang sa pamahalaan, nagtataingang kawali lang
ang “matuwid na daan.”

Kitang-kita ito, Suki, sa nagaganap sa buhay ng mga tsuper.

oOo

Kasalukuyang nakikipagpambuno ang mga tsuper sa hirap at gutom dahil sa sobrang mahal na gasolina at disel.

Dahil dito, libo-libong tsuper na ang humihiling sa “matuwid na daan” na itaas na ang singil nila sa pamasahe sa P10 para sa unang 4-5 kilometrong biyahe.

Sa halip na makinig ang “matuwid na daan”, lumihis ito ng daan at basta na lang sinabi nitong sa susunod na lang na taon pag-usapan ito.

Sa kabilang banda, libo-libo ring tsuper ang nagsasabing babaan kundi mang burahin na lang ng “matuwid na daan” ang P15 na expanded value added tax sa bawat litro ng petrolyo.

Sa halip na makinig, yang mag-anunsyo ng oil price hike ang pinagkakaabalahan nito.

oOo

Daing pa ng mga tsuper, dapat na ring buwagin ang pangongotong ng mga pulis at trapik enporser.

Kuwento ng mga tsuper, walang pagbabago sa kotongan kahit saan.

Nang mabago ang pamunuan ng pulisya, yun lang ang nagbago ngunit hindi ang pangongotong ng mga pulis sa mga tsuper.

Katumbas ng bigat ng pangongotong ng mga pulis ang pangongotong din ng trapik enporsers.

Sa kaunting problema, pumapara agad ang mga pulis at enporser at gilti kaagad ang mga tsuper.

Kung ayaw mong maistorbo sa pagkuha ng lisensiya, olweys redi na tumanggap ng pera ang kaliwa ng mga kotongista habang hawak ng kanan nila ang tiket.

oOo

Sabi ng mga tsuper, dahil sa trapik na likha ng nalalapit na Kapaskuhan, huwag kang umasa sa sipag na mangalsada ang mga pulis at enporser.

Sa kotong dinaraan ang pamamasko nila! Puweh!

O PNoy, milyon-milyon ang biktima rito.

Paano sila, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply