Taga-Quiapo Maynila nakasungkit sa P93-M jackpot ng Super Lotto 6/49

MAHIGIT P93 milyon cash ang kinubra ng mapalad na residente ng Quiapo, Manila na solo niyang napanalunan sa jacpot prize ng Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na binola kagabi (Nobyembre 22) sa gusali ng Philippine International Convention Center sa Pasay city.

Ayon sa mga opisyal ng PCSO, napanaginipan lamang ng lalaking walang permanenteng hanapbuhay ang kumbinasyong 45-36-37-25-10-30 na may kabuuang premyo na P93,522,243.60 na kanyang tinayaan sa isang lotto outlet sa Quiapo, Manila.

Magugunita na noon lamang nakaraang linggo ay dalawang masuwerteng mananaya ang naghati sa P84.1 milyong jackpot sa P6/42 draw habang dalawang linggo pa ang nakalipas, isa rin ang tumama ng P30 .milyon sa Mega Lotto 6/45 draw noong Nobyembre 11.

Sa pagtaya ng PCSO, halos buwan-buwan ay may mga nagiging milyonaryo sa kanilang mga bola lalu na’t nito lamang buwan ng Oktubre ay tatlo ang naghati-hati sa mahigit P94 milyon jacpot prize sa Super Lotto 6/49. Noon namang buwan ng ay Setyembre isa ang nanalo ng mahigit sa P72 milyon sa Grand Lotto habang nitong Agosto ay isa ang naging instant milyonaryo at nakapag-uwi ng P142 milyon sa Grand Lotto.

Ang naitala namang pinakamalaking lotto prize na napanalunan sa kasaysayan ay ang P741.176 milyon na nakuha ng solong mananaya noong Nobyembre 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply