Tagumpay ng magsasaka

HINDI lang tsismis kundi totohanan na ang balitang pinaboran ng Korte Suprema ang mga magsasaka sa laban ng mga ito sa mga Aquino sa pag-angkin sa lupang sakop ng Hacienda Luisita.

Isang araw bago ang paglabas ng desisyon kamakalawa ng gabi, sinabing otso-otso ang pumirma sa desisyon at nagkaroon ng haka-haka na itong mga Hukom na nag-TRO sa watchlist order ni Manang Leila de Lima ang kumana rin sa Hacienda Luisita.

‘Yun pala, 14 sa 15 Hukom ang pumabor at hindi lumahok sa pagdedesisyon ni Justice Antonio Carpio.

Unanimous ang desisyon at maging ang mga appointee ni PNoy ay pumirma rin laban sa mga Aquino.

Hindi pala benggansa kay De Lima ang nangyari at hindi nakitaan ang mga Hukom, lalo na ang mga appointee ni PNoy, utang na loob.

oOo

Para sa mga magsasaka ang lupa ng Hacienda Luisita, peryud, sabi nina Mang Atong Corona.

Kaya lang may problema pa kung paano mapapasakamay ng mga magsasaka ang lupa.

Hindi libre ito at mayroon silang babayaran.

Taliwas ito sa inaasahan ng mga magsasaka na libre ang lupain.

Kaya naman, kalahati lang ang tagumpay ng mga magsasaka.

Pangunahing problema ng mga magsasaka ang ipambabayad sa lupa kung lalabas na magiging napakamahal ito.

Kung maipagpipilitan ng mga Aquino na bibitiwan nila ang lupain kung mahal, malaking sakit sa ulo yan para sa mga magsasaka.

Lalo’t kulang pa yata sa isang ektarya ang mapapasakamay ng mga ito.

Sa hirap ng pagpoprodukto mula sa maliit na lupa, baka sa huli ay maibebenta rin nila sa mga Cojuangco ang kanilang mga lupain.

May tanong nga pala tayo kay PNoy.

Ano ang posibleng maitutulong ni PNoy sa mga magsasaka para magkaroon sila ng kakayahan na bayaran ang lupa kung hindi ito libre, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply