Tak-mau, lang-magu ang mag-inang addicted sa chocolates!

In every game there are spoilsports. Simply put, mga pikon. But in the case of a reality show on TV, hindi pikon ang puwedeng itawag sa mother-and-daughter team na ito kundi mautak (read: magulang).

This tandem has earned the negative distinction of being “pasaway.” In a particular instance, as per rules of the game ay mahigpit na ipinagbabawal ang magdala ng pagkain kung saan ginaganap ang mga challenges na kailangang suungin ng mga kalahok.

At the very onset ay malinaw naman sa mag-inang ito ang naturang patakaran, ang kaso, nahuli silang nagpupuslit ng mga tsokolate secretly tucked in their undies. Any moment nga namang gutumin sila, meron silang madudukot mula sa mga inipit sa garter ng kanilang mga panty.

Pero hindi umubra ang panggugulang ng mag-ina. In the course of their participation in the game, pati mga kaalyado nila sa tribu ay naiirita na rin sa kanila!

XXXX

FLIPPING through every entertainment column page na naglalaman ng tungkol sa Ram Revilla murder case, wala ni isa man ang tila pumapanig kay Genelyn Magsaysay lalo’t the issue has now shifted to her personal grudges against Senator Bong Revilla.

The least that our fellow columnists write ay mga pahayag ni Genelyn, only to give her equal editorial space to vent her feelings. Pero sa bandang huli, naroon pa rin ang pangunguwestiyon sa lihis nang direksiyong kanyang binabagtas.

The press is not to blame if it has expressed leanings towards Bong, let the senator’s track record speak for itself. Huwag lang siguro aabot si Genelyn sa punto—ngayong the entertainment press seems to be up in arms against her—na sasabihin niyang bayaran ito ni Bong.

Genelyn, a former movie starlet like her mother Lyn Madrigal, should know what showbiz is like, or was like during their struggling times. The mere fact that neither Lyn nor Genelyn hardly made a name for herself is a testimonial na wala silang naitanim sa press kaya umasa pa ba kung may dapat silang anihin?!

XXXX

ILAN na ang nalalagas among the singing hopefuls in GMA’s Protégé, but as the number is reduced every Sunday ay ibayong paghahanda ang ginagawa ng mga natitira if only to emerge victorious in—so says the program slogan—the battle for the big break.

The excitement is further sustained in the nightly Inside Protégé kung saan ipinakikita rito ang mga unguarded moments ng mga kalahok, whether they are rehearsing for the next round of competiton or are just being themselves within their quarters.

While the real test happens during the Sunday showdown, ang pamamalagi ng mga protégés sa kanilang tirahan becomes a crucial ground in terms of how they ably prepare for the next tough challenge. Dito rin kasi nagaganap ang actual mentoring ng mga naka-assign na “godparents” nila who make criticial assessments of their rehearsed numbers.

Ilang linggo pa tayong sosorpresahin ng Protégé, tulad ng isang telenovela ay meron din itong exciting, unpredictable twists and turns that its loyal viewers should not dare miss.

Samantala, nais naming ihatid ang aming deepest sympathies sa Executive Producer nitong si Reylie Manalo whose mother Mrs. Angelita Manalo passed away. Si Reylie rin ang EP ng Startalk TX. At si Reylie rin ang protégé ng kanyang inang mentor who had ably raised all her four children to be the best that they could be.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply