Talent ini-exploit daw ng manager

BLIND ITEM: Brace yourselves, isa sa mga araw na ito ay inaasahang pipiyok ang isang aktor as an act of rebellion against his manager. Ang dahilan: lumaki na raw ang pagkakautang ng kanyang manager sa kanya.

But how can it possibly be? Ayon na rin sa mga ispekulasyon ng mga kaumpukang reporter, posibleng hindi umano ibinibigay nang buo ng manager sa kanyang talent ang mga kinikita nito. ‘Ika nga, kaltasado na ang kanyang komisyon, yet the actor’s supposed net earnings coursed through his manager are not properly remitted.

Huwag naman sanang umabot ang reklamo ng aktor for all of media to feast on. Sa kasalukuyan kasi, the manager in question is still reeling from a controversial case. Hanggang dito na lang muna ang aming clue, we leave this BI (blind item) to your BI (bold imagination).

XXXX

AWARD-WINNING Director Joey Reyes has lost count of how many Metro Manila filmfest entries that he has megged so far, but the first movie where he won a Best Director award was May Minamahal.

Gayunpaman, tandang-tanda ng college professor (he teached TV writing at the DLSU where he also finished his degree in AB Literature) ding si Reyes kung ilan nang lahat ang mga pelikulang kanyang idinirehe, his latest MMFF entry being My House Husband: Ikaw Na being the 65th.

How prolific. Pero alam n’yo ba na ikinatatakot ni Direk Joey ang pag-revive ngayon ng kanyang Regal Shocker on TV5?

Not that the material is literally creepy. “Imagine, Regal Shocker was the first, the very first movie I directed and now my first work is being revived. It’s scary!” natatawang bulalas ng director.

Sixty five films to date, and still counting. But Reyes admits to being most at home with writing, followed by teaching, at ikatlo na lang ang pagdidirek. Pero nang makorner namin siya sa presscon before the stars of his latest OctoArts Films project (Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo and Eugene Domingo) arrived at the venue, Direk Joey had even more insightful thoughts about directing.

Coupled with his honest assessment of the kind of stars that we have then and now, isa si Judy Ann (the other being Claudine Barretto, among the crop of actresses) sa aniya’y “last batch” ng mga tunay na alagad ng sining.

“You know, the problem with our stars now, they feel like celebrities. Sikat ka ngayon, and you project that celebrity feeling. Hindi dapat ganu’n. Ang problema rin kasi dito sa atin, magaling ka ngayon, bukas-makalawa, pang-mother roles ka na lang,” Reyes says patronizing his own wisecracks, na sinang-ayunan naman namin.

Pero ang mas kinastigo ng premyadong writer-director ay ang kawalan ng direksiyon ng present state ng telebisyon sa bansa. “It’s as if we’re brought back to the 70s, Philippine TV has stagnated as opposed to the increasing development of local cinema. How dismal!”

Isa umano sa mga dapat sisihin ay ang mentalidad ng ilang TV producer who seem to underestimate the sensibilities of our audience. “Tayo mismo, we don’t make our audience intelligent, we make them stupid. Ang maituturing na ‘bad words’ ng mga TV network ay tatlo: originality, innovation and development.”

Given the sad state of Philippine TV, where does Reyes think it is going? “May direksiyon ba?!” natatawang ganting-sagot din ng prangka pero nagpapakatotoo lang na direktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply