Tambak na basura sa sementeryo hinahakot na

PUSPUSAN ngayon ang ginagawang paglilinis sa mga sementeryo dahil na rin sa iniwang mga basura ng mga bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas.

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa mga major cemeteries sa Metro Manila upang hakutin ang mga tambak na basura.

Katulong din ang Armed Forces of the Philippines at Manila City Safety Unit sa paglilinis sa mga basura na iniwan ng publiko.

Sa report, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na sa nasa 1.1 milyon ang bumisita sa semenetryo at nag-iwan naman ng 1 kilo ng basura bawat isa.

Naging maagap na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paglilinis ng mga basura dahil na rin sa naging karanasan ng mamamayan nitong mga nagdaang bagyo na lubos na nakaapekto.

Ang basura rin ang sanhi ng mga pagbara sa mga kanal at ilog kaya naman puspusan ang ginagawang clean-up drive ng MMDA at Manila City Safety Unit katuwang ang AFP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply