Tambalang Reyes-Amit idedepensa ang korona sa World Mixed Doubles

IDEDEPENSA ng tambalan Efren “Bata” Reyes at Rubilen Amit ang hawak na titulo sa second World Mixed Doubles Billiards Championships sa Nobyembre 30 sa Hangzhou, China.

Sina Reyes at Amit ang nanguna sa Team Philippines sa inaugural championship sa 2009, na giniba ang Korean tandem nina Charlie Williams at Eun Ji Park tungo sa $6,000 winner’s purse.

Sina Reyes at Amit, mula Puyat Sports ay galing sa kampanya sa South East Asian Games sa Palembang, Indonesia, na muli naman masasaksihan sa major international event.

Makakasama nila ang isa pang Pinoy pair sa katauhan nina San Miguel Beer Octoberfest 9-Ball Open Champion Lee Vann Corteza at SEA Games double Gold Medalist Iris Rañola.

Marami sa tambalan na koponan ay binubuo ng mga world champions gaya ni recently crowned World 10-ball champion Kelly Fisher katambal si Tommy Donlon para pangunahan ang isa sa dalawang team ng Britanya.

Tampok din ang mga tambalang Johnny Archer at The Black Widow Jeanette Lee (US), Mika Immonen at Marika Poikkijoki (Finland), Chao Fong Pang at Tsai Pei Chen (Chinese Taipei) at hometown bet ng China na sina Li He Wen at Fu Xiao Fang.

Matagal nang pinaghandaan nina Reyes at Amit ang scotch doubles format. “The addition of another Philippine team serves as a bonus and gives them a chance to make it an all- Filipino final similar to Amit and Ranola’s Gold Medal match in the Women’s 9- ball singles competition during the SEAG.” sabi ng Puyat Sports.

Si Ranola ang kumuha ng home double Gold Medals sa 8-ball at 9-ball events sa SEAG habang natamo naman ni Amit ang silver sa 9-ball.

Si Reyes naman ang kumuha ng daawang bronze medals sa 1-cushion at 3-cushion carom habang si Corteza naman ang hari sa San Miguel Ber Octoberfest para makumpleto ang Philippine contingent na binubuo ng dalawang koponan.

May kabuuang 16 na koponan ang lalahok tampok ang top male at female pool players mula sa iba’t ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply