Tambay natagpuang patay sa traysikel

PALAISIPAN pa sa mga tauhan ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki nang matagpuan na isa na itong malamig na bangkay nito sa loob ng isang nakaparadang traysikel sa Quezon City kaninang umaga.

Ang biktima na kinilala lamang sa alyas na Kung Fo, 19, tambay, walang permenenteng tirahan ay namatay noon din at nakikitulog lamang sa naturang tricycle.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan dakong 6:20 ng umaga kanina nang matagpuan ang walang buhay na biktima sa loob ng isang nakaparadang traysikel sa harap ng Iglesia Ni Cristo Chapel (INC) sa kahabaan ng Luzon Avenue, Barangay Old Balara,QC.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima ng ilang concerned citizen.

Agad naman ipinagbigay alam ng mga residente sa mga opisyal ng barangay ang natagpuan.

Hinihinala ng pulisya na posible umanong binangungot ang biktima habang nakikitulog lamang sa naturang tricycle.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung may foul play sa pagkamatay nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply