Tanod, purok leader utas sa riding-in-tandem

TODAS agad ang dalawang barangay opisyal habang sugatan naman ang isa pang kasamahan matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang barangay outpost ng riding–in-tandem sa Bagong Silang Calocan City kagabi (Nobyembre 8).

Dead on spot ang mga biktimang sina Esperidion Catudio y Sagusay, 49, purok leader at Dominguito Marquez, baragay tanod, habang sugatan naman at ginagamot sa East Ave. Medical Hospital si Pascual Alvarado y Moran, tanod, pawang mga residente ng Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motor matapos ang pamamaril.

Base sa ulat ni Sr. Supt. Carlito Demalanta, commander ng Baong Silang Sub Station, dakong-9:00 ng gabi naganap ang krimen habang nasa loob ng kanilang outpost sa nasabing lugar.

Nakaupo at nagkukwentuhan ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo at agad na pinaulanan ng bala ng kalibre .45 ang mga biktima.

Inaalam naman ng pulisya ang tunay na motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply