Task force binuo vs killer ng radio anchorman

BINUO ng Philippione National Police ang Task Force Licuanan upang imbestigahan at tugisin ang suspek na bumaril sa isang radio anchorman ng isang radio station sa lalawigan ng Cagayan de Oro.

Inihayag ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., na ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbuo ng isang grupo na tututok sa pamamaril kay James Licuanan, anchorman ng Zonalibre Program at chief of reporters ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Tiniyak naman ni Robredo na mapapanagot ang mga nasa likod ng pananambang sa broadcaster.

Base sa ulat tinambangan ang biktima ng dalawang riding in tandem sa bisinidad ng Capt. Vicente Roa-Ebarle sts. pagkatapos ng programa nito.

Ang mga suspek ay tinatayang nasa edad na 30-35 anyos, may taas na 5″7′ at nakasuot ng itim na sando.

Kinumpirma naman ni Police Insp. Elmer Rubas, hepe ng Cogon Police Station na malaki ang posibilidad na may kaugnayan sa propesyon ng biktima ang motibo sa pamamaslang.

Kabilang sa naging mga isyu na tinalakay nito sa huling gabi ng kanyang programa ang kontrobersyal na pagtatayo ng flyover ng Macanhan, Brgy. Carmen ng nabanggit na siyudad.

Kaugnay nito, mariing kinondena ng Bombo Radyo Philippines, ng iba’t ibang media organizations at maging ng Simbahan ang nasabing pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply