Task Force Ramgen kakasuhan

NAKATAKDANG kasuhan ng illegal detention ang Task Force Ramgen kapag patuloy na magmamatigas ang pulisya na palayain si Ramon Joseph Bautista, isa sa hinihinalang mastermind sa pagpatay kay Ramgen Revilla noong October 28, 2011 sa Paranaque City.

Sa panayam, sinabi ni Dennis Manzanal, abogado ni Ramon Joseph, na habang hinihintay ang desisyon ng Parañaque Prosecutor’s Office sa inihaing mosyon ng kanilang kampo para sa agarang pagpapalaya sa suspek, pinag-aaralan nilang kasuhan ang Parañaque PNP.

“Posibleng pumasok sa illegal detention ang kakaharapin ng Parañaque Police Station kung hindi kaagad mapapalaya si Joseph,” ayon kay Mananzal.

Ilang araw matapos mapatay si Ramgen, kaagad dinakip ng Task Force Ramgen ang nakababatang kapatid nitong si Joseph na siyang pinaghihinalaang pangunahing suspek sa krimen na mahigpit na itinanggi ng ina nitong si Gennilyn Revilla.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang kapatid ng biktima na si Ramona na sinasabing utak ng pagpaslang kay Ramgen na nag-ugat sa hatian sa isang milyong allowance ng pamilya mula kay dating Senador Ramon Revilla, Sr.,

Katuwiran ni Atty. Mananzal, lumampas na sa itinakdang panahon ng batas ang pagkakakulong kay Joseph nang walang kaukulang kaso dahil masusing iniimbestigahan at pinag-aaralan pa ng Parañaque Prosecutor’s Office ang krimen.

“Lumampas na sa 36 oras na itinakda ng batas na panahon ng pagdedeteni sa isang suspek nang walang kaukulang kaso,” ayon kay Atty. Mananzal.

Aniya, kung hindi mapapalaya ng pulisya ang kanyang kliyente, mapipilitan silang maghain ng motion for immediate release sa korte.

“Sa korte na lamang kami maghahain ng mosyon kapag hindi pinakinggan ng prosecutor’s office ang aming kahilingan,” patapos ni Atty. Mananzal. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply