Task Force Sardinas binuo vs manghuhuli ng tamban

BINUO ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang Task Force Sardinas na siyang mahigpit na magbabantay sa mga pasaway na mangingisda na magtatangkang manghuli ng isdang tamban sa karagatan na sakop ng Zamboanga Peninsula.

Pangungunahan ng mga tauhan ng BFAR katuwang ang mga miyembro ng Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, Zamboanga police at mga local government unit (LGU) ang nasabing binuong task force.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, naglaan ng apat na sasakyang pandagat ang task force upang tugisin ang mga magpipilit na manghuli ng tamban.

Base rin sa BFAR, ang task force ay bahagi ng ipatutupad na pagbabawal sa panghuhuli ng tamban na siyang  ginagawang sardinas na magsisimula sa Disyembre hanggang Pebrero.

Ani PErez, ito ay upang hayaan na mangitlog at dumami ang naturang isda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply