Tatay nagbigti dahil sa hirap ng buhay

PATAY  ang isang 51-anyos na padre de pamilya matapos itong magbigti dahil umano sa problemang pinansyal sa Naguilllan, La Union.

Nakilala ang biktima na si Mario Tango, walang trabaho at residente ng Barangay Baraoas Sur ng nasabing lugar.

Ayon sa report mula sa Naguillan Municipal Police Station, pangunahing naging problema umano ng biktima ang kawalan ng pera at kung paano maitataguyod ang kanyang pamilya sa hirap.

Bago maganap ang pagpapatiwakal ng biktima ay naglasing pa umano ang ito ngunit hindi inaasahan ng kanyang mga kaanak na may balak itong magpatiwakal gamit ang nylon cord. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply