Tatay ni Charice patay sa saksak

NAMATAY noon din ang ama ng Pinay international singer na si Charice Pempengco nang undayan ng saksak ng hindi kilalang lalaki sa A. Bonifacio Road kagabi (Oktubre 31) sa Barangay Laram, San Pedro, Laguna.

Dahil sa mga tama ng saksak ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan,  binawian ng buhay ang biktima na kinilalang si Ricky Pempengco.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumibili ng sigarilyo si Pempengco matapos makipag-inuman sa mga ka-barangay nang lapitan ng suspek at sa ‘di malamang dahilan pinagsasaksak ito sa katawan.

Nakatakbo pa  ang biktima at napa-upo sa bato malapit sa kanal subalit nilapitan ito ng suspek at muling pinag-uundayan ng saksak.

Hindi na naitakbo sa pagamutan si Pempengco dahil sa takot ng mga nakasaksi na madamay at mapagbalingan ng suspek.

Sinasabing ang sobrang kalasingan at masasakit na salita na binitiwan ng biktima sa suspek ang posibleng ugat ng pamamaslang sa tatay ni Charice. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply