Tatay ni Charice Pempengco nailibing na

NAIHATID na sa huling hantungan ang labi ni Ricky Pempengco, tatay ni international singing sensation Charice sa Pasture of Heavens Memorial Park sa Cabuyao, Laguna pasado ngayong hapon.

Ayon sa talent manager ni Charice na si Grace Mendoza, inialis ang labi ng pinaslang na tatay ni Charice sa Divine Mercy Viewing Chapel sa Muntinlupa dakong alas-2 ng hapon.

Pero bago ito, nagkasa muna ng isang misa at programa para sariwain ang masasaya at magagandang alaala ng mga panahong nabubuhay pa si Ricky.

Sa gitna naman ng seremenoyas ay pinayagang kumanta si Charice ng mga awiting inalalay nito sa kanyang namapayang ama.

Bagama’t bumuhos ang malakas na pag-ulan, hindi naman ito naging hadlang para ihatid ang labi ni Ricky patungong sa nasabing sementeryo at isinakay na ang puting kabaong ni Ricky sa isang kulay puting Cadilac funeral car.

Habang bumabiyahe papuntang sementeryo, pinatutugtog naman ang mga awitin ni Charice na inihanda nito talaga para sa ama.

Matatandadang, sinaksak at napatay si Ricky noong Lunes ng gabi (Oktubre 31) ni Angel Capili, Jr., na sumuko noong nakaraang Huwebes (Nobyembre 3) ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply