Tatay sinaksak ng anak sa Iloilo

ISANG ama ang sinaksak mismo ng sariling anak makaraang sawayin ng una ang huli sa pagbili ng alak sa Iloilo.

Dinala kaagad sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima na kinilalang si Jeffry Malicia, 48 at residente ng Brgy. Janipian Este, Cabatuan, Iloilo makaraan itong saksakin ng sariling anak.

Ayon sa imbestigador ng Cabatuan Municipal PNP, sinaway lang umano ng biktima ang suspek na anak na si Nick Malicia, dahil nagpapabili pa ito ng karagdagang inuman samantalang ito ay lasing na.

Nagalit umano ang suspek kung kaya’t nag-away sila ng kanyang ama. Pinalo ng tubo ang batang suspek ng ama at gumanti ito sa pagsaksak sa kanyang tatay.

Ipinaubaya naman ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek sa mga kaanak ang biktima.

Dagdag pa ni SPO1 Vito Basterio, nag-iimbestiga sa kaso, malamang na dahil sa kalasingan ay nagawa ng nakababatang Malicia na saksakin ang sariling ama.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply