Tatlong balita

GUMIMBAL sa marami kundi man nakadismaya ang magkakaugnay na tatlong balitang lumabas sa mga dyaryo nitong nakaraang ilang araw.

May kinalaman ito sa tatlong panahon sa buhay ng tao: ang pagsilang, ang pagkain o pag-konsumo at ang pagkamatay.

Sa ilalim ng panahon ng pagsilang ay iniulat ng United Nations na umabot na ngayon sa pitong bilyon ang populasyon ng buong mundo.

Marami ang natakot dito sa harap ng pagbabago ng klima o pag-init ng ating planeta na nagdudulot ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, super-bagyo  at mala-delubyong mga pagbaha sa buong daigdig na nanira ng mga pananim at iba pang pinanggagalingan ng pagkain.

Dahil dito ipinangangamba na baka lalong dumami ang bilang ng mga nagugutom sa maraming dako ng daigdig.

Nagbabala ang Kalihim Pangkalahatan Ban Kimoon ng Nagkakaisang mga Bansa (UN) sa maaaring maging malagim na kalagayan ng mundo sa isyu ng ‘di sapat na pagkain subalit kay Senate Majority Floor Leader Vi-cente III ang pagdami ng populasyon ay ‘di tamang argumento sa pagpasa ng Reproductive bill.

Sinabi niyang madoblema man sa 14 na bilyon ang populasyon ng mundo ay “huhusto tayong lahat sa estado ng Texas sa America.”

Sa aming  paningin, ang mga babala ay isa lamang pananakot upang maisulong ang pagpigil sa pagbubuntis at pang-aabuso ng mga kapitalista sa uring manggagawa. Ang pagpapairal ng pantay, patas at makatarungang distribusyon ng mga kayamanan o resources ng mundo ang tamang solusyon sa problema ng malaking populasyon.

Ang ikatlong balita ay ang talamak na pagkakaaksaya ng pagkain sa buong mundo na kung saan itinatapon ng mayayamang pamilya ang kanilang tone-toneladang tirang pagkain habang milyones sa kanilang paligid ang walang makain at nagugutom.

Iniulat na sa Pilipinas ay kayang pakainin ng naaaksayang palay o bigas mula sa pag-ani hanggang sa mesa ng pagkain ang limang milyong nagugutom na Filipino.

Ang ikatlong balita ay tungkol sa pista ng mga santo at araw ng mga patay na ganap na lumihis sa matatandang kaugalian na pagdarasal ng mga naulila sa kaluluwa sa purgatory ng kanilang mga yumao. Ang pagyakap ng mga Filipino sa mga tradisyong kanluranin na pagsusuot ng mga maskarang nakatatakot at mga damit ng multo ay naging kapansin-pansin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply