TCU bidas sa passing grade sa Criminology Licensure Exam

NAGING matagumpay ang repormang pang-edukasyon ng pamahalaang lungsod ng Taguig matapos makapagtala ang criminology students ng Taguig City University (TCU) ng mataas na passing grade sa katatapos na Criminology Licensure Examination ayon kay Taguig Public Information Chief Darwin Icay kamakailan.

Sinabi ni Icay na ang nabanggit na pagsusulit ang pagbabatayan ay masasabing epektibo aniya ang ipinatutupad na reporma sa edukasyon na ipinatutupad ni Taguig City Mayor Laarni L. Cayetano at ng konseho nito na patuloy na gumagawa ng hakbang upang maisulong ang programa na maghahatid ng tagumpay para sa mga kabataan.

Kaugnay nito, pinuri ni Mayor Cayetano ang pagpasa ng 28 sa 32 estudyante ng TCU sa licensure examinations noong Oktubre na may katumbas na 87.50% passing rate.

Sa 17,804 na criminology students na kumuha ng licensure examination, tanging 7,789  ang masuwerteng nakapasa sa pagsusulit na may katumbas na 43.75% nationwide passing rate.

Bahagi ng infrastructure upgarde plan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ay ang pagpapatayo ng bagong gusali sa TCU na nagkakahalaga ng P50M kasama na ang inilaang P1.121B pondo nitong 2011, kung saan ang unibersidad ay isa sa mga napagkalooban ng karagdagang budget.

Ang licensure examinations ay pinangasiwaan ng Board of Criminology sa mga lungsod ng Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Pagadian, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply