TEC yayanigin ng hagaran sa Sabado

DADAGUNDONG ang pagyanig sa Sabado (Nobyembre 26), ng mga pares ng paang naka-de gomang sapatos na pantakbo, sa pakakawalang   hagibisang kapapalooban ng akyatan sa dalawang tore ng gusaling may kabuuang 90 palapag at humigit kumulang na 2,065 hakbang, sa panulukan ng Dela Rosa Street, Paseo de Roxas at Ayala Avenue, Lungsod ng Makati.

Ang gusali ay ang The Enterprise Center (TEC), kung saan pakakawalan sa ganap na 8:00 ng umaga ang 2nd Trek the TEC Vertical Run, na inorganisa ng TEC –  Eventologist Co., na tiyak muling magiging mabighani ang kalalabasan ng resulta ng vertical run, na ito.

Tinanghal na kampeon noong isang taon ang mga sundalong sina PFC Gerald Sabal at Marecil Maquilan Philippine Army – Special Services Unit, na nangako ng magandang laban sa hagarang pa-akyat, sa sino mang magpipilit na alisan sa kanila ang korona sa vertical run na ito.

Naka-13 minuto at walong segundong marka si Sabal, ng Bagong Bayan, Sultan Kudarat, noong isang taon upang hablutin ang korona, samantalang sapat na ang 17:12 ni Maquilan ng Little Baguio, Turalla, South Cotobato, para sa korona sa kababaihan.

May naghihintay na P5,000 cash, gift certificate na P5,000 ang halaga at isang medalya ang maiuuwi ng dalawang magkakampeon, P3,500 cash at P3,500 GC ang sa makaka-pilak at P2,000 cash at P2,000 GC naman at medalya para sa makakatanso.

May nakaabang na freebies ang mga punong-abala sa lahat ng tatawid ng meta, kasama ang karapatang manalo ng raffle prizes pagkatapos ng hagaran, at sa iba pang kaalaman para makasali, makipag-ugnayan sa mga teleponong may bilang na  02-752-1000, 0919-2956555 at 0917-5551450.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply