Temperatura sa Baguio City lumalamig; nagkakasakit dumarami

KASABAY ng pagbaba pa ng temperatura sa Baguio City o City of Pines, dumarami naman ang mga nagkakasakit na residente.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (Pagasa), bumagsak sa 13.8 degrees Celsius ang temperatura sa lungsod kaninang umaga, na pinakamalamig na naitala sa mga nagdaang linggo.

Kasabay nito, tumaas naman 151 porsiyento ang nagkakaroon ng respiratory diseases mula Oktubre o nasa 123 na ang bilang ng mga nagkakasakit ng pneumonia, sipon at upper respiratory tract infection sa nabanggit na lalawigan.

Sa ulat ng Baguio City Health Office, napag-alaman na dinagsa ng mga nagpapasuri sa baga ang mga ospital at klinika sa La Trinidad, Benguet.

Batay Pagasa-Department of Science and Techonology (DOST), mararamdaman ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio hanggang Pebrero kaya pinayuhan ng mga doktor ang mga residente na uminom ng maraming tubig at  vitamin C at kumain ng masustansyang pagkain para malabanan ang anumang sakit dala ng malamig na panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply