The pacifier

NAKATUTUWA ang bagong bansag kay Congressman Manny Pacquiao, na “The Pacifier.” Maliban sa taguring ang “pambansang kamao” bininyagan ng ilang mga pulis ng bagong bansag si Pacman bilang “The Pacifier.”

Ang ibig sabihin ng salitang “pacifier” ay tagapanatili ng kapayapaan o nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan. Ito ay dahil daw tuwing may laban si Pacman ay walang krimen o sobrang mababa ang mga insidente ng kriminalidad.

Dati ay parang biro lang ito pero biro man ay malaking karangalan ito kay Pacman. Dahil ang ibig sabihin ay kaya niyang kunin ang atensyon ng buong mundo at kaya niyang pigilan ang kasamaan sa simpleng pagbibigay lang ng inspirasyon sa kanyang mga kababayan.

Kaiba marahil ang resulta ng laban ni Manny Pacquiao kay Juan Marquez noong isang araw dahil may mga duda sa pagkapanalo ng Pambansang Kamao. Hati raw ang opinyon ng mga Filipino tungkol sa pagkapanalo, o pagkatalo ni Manny.

Pero ano man ang tunay na resulta, sinabi pa rin ng mga pulis na mababa talaga ang krimen noong Linggo dahil lang may laban si Manny Pacquiao – ang “The Pacifier”.

“Pinakasikat na ilog”

Pasok ang Puerto Princesa Underground River sa Palawan sa ginanap na pagpili ng ‘Seven New Wonders of Nature’ ng mundo. Ito ay isang malaking karangalan at hamon na rin sa ating mga Filipino. Muli ay nakatutok ang atensyon ng bansa sa isang aspeto ng Pilipinas, ang kagandahan ng natural nating yaman.

Ito ay malaking hamon sa turis-mo ng bansa dahil ang isa sa maaring maging resulta ay ang pagdagsa ng mga turista para silipin ang ating tanyag na Underground River. Marami na namang kaakibat na isyu ito na dapat nating harapin, tulad ng isyu nga ng airport natin at ang seguridad sa bansa.

Napakalaki ng dalang potensyal ng pagkakasama ng Pilipinas sa mga bansa kung saan matatagpuan ang “Seven New Wonders of Nature.” Ang iba pa na nasama sa listahan ay ang  Amazon rainforest; ang Halong Bay sa Vietnam; Iguazu Falls ng Argentina; Jeju Island ng South Korea; Komodo dragon na matatagpuan sa Indonesia; at  South Africa’s Table
Mountain.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply