Three-way tie sa tuktok ng PBA D-League

NAGSAMA-SAMA sa pangunguna sa PBA D-League Aspirants Cup ang Blackwater Elite, Big Chill Superchargers at Cebuana Lhuillier Gems kasunod ng panalo ng Superchargers laban sa RnW Pacific Pipes, 70-48, at pagwawagi ng Gems kontra DUB Unlimited, 85-72, para sa kanilang malinis na 2-0 win-loss card sa ginanap na laro sa Trinity University of Asia Gym Huwebes ng hapon (Nobyembre 3).

Nagtulung-tulong sina Kevin Alas, Far Eastern University standout Terrence Romeo, Vic Manuel, James Mangahas at Jai Reyes sa pinagsamang 50 puntos para durugin ang DUB Unlimited na hindi pinaporma mula sa opening quarter.

Nagpahiwatig din ng tunay na lakas ang Big Chill Superchargers para tanghaling isa sa matitinding contender nang kanilang gibain ang RnW Steelers nang mag-topscore sina Raffy Reyes at Thomas Tan na kumamada sa third quarter na tinulungan nina Mallari at Collado na nagbuslo ng tig-11 puntos.

Maglalaro sa Lunes (Nobyembre 7) sa Adamson University Gym ang PC Gilmore laban sa North Luzon Expressway at ang Boracay Rhum laban sa Freego Jeans. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply