Tinalakan ng misis, tanod lumaklak ng lason

DAHIL sa sama ng loob, lumaklak ng lason ang isang barangay tanod matapos na talakan ng kanyang misis sa Catanduanes kaninang umaga.

Namatay noon din sanhi ng pagkalason ang biktimang si Randy Magtangob, 37-anyos, hepe ng barangay tanod ng Barangay Sta. Rosa, sa bayan ng Viga, Catanduanes.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa mismong bahay ng biktima.

Ayon sa mga kapitbabhay, bago ang pagpapatiwakal ay naulinigan nilang inaaway na naman ang biktima ng kanyang may-bahay.

Ilang oras lamang ang nakalipas, nakita na lamang ang biktima na bumubula ang bibig at sa tabi nito ay natagpuan ang isang bote na pesticide na wala ng laman na pinaniniwalaang ininom nito.

Nag-iwan naman ang biktima ng limang-pahinang sulat o suicide note para ipabatid sa kanyang iniwang pamilya ang kanyang mga hinanakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply