Tinapos na ang huling taping sa Dos: Sharon kumpirmado nang lilipat sa TV5

HALOS kumpirmado nang lilipat na sa TV5 si Sharon Cuneta sa 2012.

Sa interview kay Sharon, walang pag-amin o denial mula sa kanya kung talagang iiwan na nga niya ang Dos.

Sa Wil Time Bigtime naman ni Willie Revillame, lagi nitong binabanggit na lahat na yata ng may “star” lilipat na sa TV5.

Nabanggit niya si Superstar Nora Aunor, Diamond Star Maricel Soriano at si Megastar daw, malapit-lapit na. Sa January ang expiration ng contract ng singer/actress sa ABS-CBN at wala naman daw siyang existing program na maiiwan.

Ang Christmas special nga raw niyang Sharon at Home, ayon sa aming source, nag-last taping na noong Nov. 5, na inieere sa Lifestyle Network, ang cable channel ng ABS-CBN.

Kuwento ng source via text message, natapos ang taping ng hindi binabanggit ng staff na iyon na ang huling taping day nila.

Ang naging rason daw kung bakit tinapos na ang show ay dahil lilipat na nga si Ate Shawie sa TV5.

Hindi naman daw nagkuwento si Sharon ng detalye tungkol sa napapabalitang paglipat.

Subalit naging maganda raw ang paghihiwalay nila ng staff, na masaya pang nagpa-picture sa nanay ni KC.

Sa klase ng management team na nakapalibot kay Mega at kung ano ang direksyon ng kanyang career sa ngayon, malinaw na paalis na nga siya sa ABS-CBN.

At sa ngayon nga raw ay co-managed na ang huli ng dalawang tao.

Isa ay ang matagal na niyang manager, ang well-liked at professional na si Sandra Chavez. At ang pangalawa ay ang taong naggiya sa career niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz—si Vic “Boss Vic” del Rosario ng Viva Entertainment Inc. At dahil daw malapít si Boss Vic sa TV5, ito ang nagdala kay Willie sa Kapatid channel matapos iwanan ng komedyanteng host ang Kapamilya network. Hindi nga malayong lumipat na rin doon ang Megastar.

So there!

***

Bonggang-bongga ang alaga ni Lito de Guzman, apat ang bodyguards!

NAKILALA ang controversial manager na si Lito de Guzman for such sexy talents as Ynez Veneracion, Hazel Espinosa and the Baywalk Beauties. Sa unang pagkakataon, he handles a wholesome new teen singer, Raia Quiroz, whose full name is Rachelle Anne Franco Quiroz. Taga-Telabastagan, City of San Fernando in Pampanga, a fourth year OB Montessori student whose parents owns theme parks in Subic and other places, plus various 7-11 outlets.

Sa presscon sa Rembrandt Hotel, nag-perform si Raia ng mga kanta mula sa debut album nitong “Tara Na!” under Concorde Music.

Pag-akyat sa stage, apat na unipormadong bodyguards ang kasama ng dalaga.

When asked about this, talaga lang daw maingat ang daddy nila sa kanilang magkakapatid.

“Super protective po talaga si Daddy,” paliwanag nito.

“Eleven pa lang si Raia, nakita ko na ang potential niya,” sabi naman ni Lito. “But I waited for her to grow up muna bago ko siya inihanap ng original songs from Boy Christopher and Blanktape na siyang kasama sa album niya ngayon.

“She’s very talented but I told her to focus muna on singing at saka na siya mag-artista.”

Who’s her favorite singer? “Ever since, gusto ko ang boses ni Regine Velasquez po.”

And who’d she like to be paired with in case she’d be an “artista”? “Si Jake Vargas po kasi kumakanta rin siya at magaling maggitara.”

Most of the wholesome songs in Raia’s albums are for teenyboppers like Baby Sorry Na, Hay Naku (the first single), Muntik Na, Para Kang Cellphone, Pangarap and Tara Na. Watch her promote her album on TV, radio and mall shows.

Mula sa buena familia ang bagong alagang ito alaga ni Lito de Guzman.

Ayon sa parents ni Raia na sina Ricky at Gloria Quiroz, baby pa lamang ang anak nila, nakitaan na nila ng talento sa pag-awit.

At kahit nagsisimula nang umawit itong baguhang recording artist at sandamakmak ang mga radio and TV guesting, nag-promise ang bagets na hindi pa rin pababayaan ang kanyang studies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply