Tindahan hinoldap: 1 patay, 1 sugatan

PINASOK ng tatlong mga holdaper ang isang tindahan sa Barangay Ybañez Ville, Tacloban City kagabi na ikinasawi ng isa at sugatan naman ang may-ari nito.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, tatlong suspek na lulan ng isang motorsiklo ang pumasok sa tindahan nang sugatang biktimang si Avelino Sumapig. Nanlababan umano si Sumapig nang kunin nito ang kita ng kanilang tindahan kung kaya’t binaril ito.

Eksakto namang nasa loob ng tindahan ang pamangkin ni Sumapig na si Charlie Dalot, isang PUJ driver, nang magyari ng krimen. Pagkalabas umano ng dalawang suspek ay humabol si Dalot subalit hindi niya nakita ang isa pang suspek at binaril siya nito.

Dinala ang dalawa sa pinakamalapit na hospital at idineklarang dead on arrival si Dalot samantalang ginagamot pa si Sumapig.

Kaagad namang nagsagawa ng manhunt operation ng Marasbaras PNP para sa ikakahuhuli ng mga salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply