Tirador ng harina tiklo sa CCTV

SWAK sa kulungan ang isang lalaki habang nakatakas ang kasamahan nito matapos makuhanan ng close circuit television (CCTV) camera habang ninanakaw ang mga harina sa Caloocan City Sabado ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Allan Valliente, 39 at taga-F. Roxas St., 3rd avenue ng lungsod habang nakatakas ang hindi pa nakikilalang kasama nito.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, magbubukas ng tindahan si Joseph Tan sa nasabing lugar nang madiskubreng baklas ang tatlong kandado ng tindahan.

Nang tignan ang loob ay nalaman na nawawala ang siyam na sako ng harina na nagkakahalaga P9,200.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis at nang tignan ang CCTV ay nakita na ang mga suspek ang nagnakaw ng mga harina na naging dahilan upang madakip si Valliente.

Inaalam na ng mga pulis kung saan dinala ang mga harina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply