Titser, estudyante nanganganib sa asbestos poisoning

KALAT na sa mga iskwelahan ang mga toxic wire gauze, ito ang pahayag ng Associated Labor Unions (ALU).

Ani ALU National Vice President Gerard Seno, dapat ipagbawal ng Department  of Environment Natural Resources (DENR) ang pagbabawal ng mga bagay na may asbestos sa paaralan dahil matagal nang napag-alamang masama ito sa kalusugan.

Hiniling din ng ALU kay DENR Sec. Ramon Paje na magsagawa ng inspeksyon sa mga asbestos-containing wire gauze na hayagang ibinibenta sa Avenida, Manila.

Lumalabag umano sila sa Chemical Control Order for asbestos at delikado ito sa mga Filipino.

Kung maglalagay umano ng safety labelling sa mga asbestos-containing products tulad ng wire gauze, makapagliligtas ang DENR ng milyun-milyong titser at estudyante sa pagkalason sa asbestos.

Ani Seno, kung tutuusin, dapat ay phase out na ang lahat ng kagamitang may halong asbestos sa Pilipinas.

Sa kampanya ng ALU, napag-alamang ilang sample ng wire gauze na ginagamit sa mga laboratory ng maraming high schools at unibersidad ang nagtataglay ng 3% ng nakamamatay na Chrysotile asbestos.

Matatangdaang taong 2000 pa lamang ay idineklara na ng DENR na dapat nang i-phase out ang lahat ng asbestos sa bansa.

Pinatunayan ng International Agency for Research on Cancer (IARC), World Health Organizations (WHO), World Bank (WB), at International Labor Organization (ILO) na ang asbestos ay nakakakanser.

Tinatayang may 125 million katao ang expose sa asbestos, na karamihan ay trabahador sa construction.

Tinataya ring 107,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa cancer at iba pang sakit na ang sanhin ay exposure sa asbestos dust ng 10 hanggang 30 matapos masinghot.

Sa Pilipinas, pinatunayan ng Lung Center of the Philippines at Philippine Cancer Society na batay sa kanilang record, may naitala silang 12 kaso ng mesothelioma, asbestosis at lung cancer. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply