Tiyuhin pinagtulungang saksakin ng 2 pamangkin

NAGING mitsa sa kamatayan ng 44-anyos na lalaki sa pagsaway  nito sa magkapatid na pamangkin na pawang lasing makaraang pagtulungan itong pagsasaksakin kagabi (Nobyembre 18) sa  Karuhatan, Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa dibdib, tiyan at ulo ang biktimang si Salvador Francisco.

Arestado naman ang isa sa salarin na nakilalang si Christopher Soriano, 23, habang nakakalaya pa ang nakakabatang kaptid nitong si Carlo, 20, pawang pamangkin ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa kalye ng A. Pablo sa Brgy. Karuhatan.

Nabatid na nagalit ang magkapatid na suspek sa ibinigay na  payo at pagsaway  ng tiyuhin sa mga ito na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng argumento palibhasa mga lasing ay agad nagbunot ng patalim at pinagtulungang saksakin ang biktima sa dibdib, tiyan at sa ulo na naging resulta ng maaga nitong kamatayan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin subalit  isa  rito  ay  hindi nakapalag nang dakpin  ni Andrew Maga,t isang security guard na nakatalaga sa Valenzuela City Hall north gate na nakasaksi sa pangyayari at saka ipinasa sa pulis.

Inihanda na ang kasong homicide laban sa mag kapatid habag isang manhunt operation ang inilatag ng pamunuan ng Valenzuela police laban sa nakakalaya pang salarin na si Carlo. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply