TNT mapapalaban kontra Ginebra

LUMALAYO sa team standings ang Rain or Shine Elasto Painters kaya naman pakay ng Talk ‘N Text Tropang Texters na ilapit ng bahagya ang kanilang baraha sa 2011-12 PBA Philippine Cup eliminations.

Ipininta ng Elasto Painters ang 6-1 win-loss slate ng pahabain nila ang pighati ng Shopinas.Com Clickers, 96-75 kagabi (Nobyembre 4) na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

May 4-1 kartada ang Tropang Texters na makakaharap nila bukas ng alas-6:30 ng gabi (Oktubre 6) sa nasabing venue ang crowd favorite Barangay Ginebra Kings na tangan ang 3-3 card.

Bago pinaiyak ng RoS ang Clickers kagabi ay nauna ng lumuha ang Kings ng kuryentihin sila ng Meralco Bolts, 87-93.

Sasandalan ng Talk ‘N Text ang kanilang two-game winning streak subalit paniguradong hindi magiging madali sa kanila ang laban nila sa Kings.

Sa unang laban bukas, maghaharap ang Powerade Tigers at Barako Bull Energy.

Pakay din ng Tigers na kumalas sa pagkakabuhol nila sa fifth to seventh places na may 3-3 record habang plano naman ng Energy na manatili sa tersero puwesto kung saan ay hawak nila ang 4-2 panalo-talo karta.

Samantala, sa laban ng RoS at Shopinas ay na-eject si Elasto Painters head coach Yeng Guiao matapos nitong bigyan ng siko si Ogie Menor dahil inaasar nito ang buong bench ng RoS.

Dahil sa pagkatalo ng Clickers ay lalo silang nabaon sa ilalim ng team standings na may 0-7 baraha. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply