Toll fee hike sa SCTEX, STAR at MC-TEP nakakasa na

IKINASA na sa darating na Enero  ang panukalang dagdag singil sa toll sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR) at sa Manila-Cavite Toll Expressway (MC-TEP).

Kinumpirama ni Toll Regulatory Board (TRB) spokesperson Julius Corpuz na natanggap na nila ang petisyon ng tatlong kumpanya at naipalathala na nila ito sa mga pahayagan para ipaalam ang isasagawang public hearing sa Huwebes.

Ayon sa mga tollway operators, ang nakaambang  pagtaas sa singil sa toll ay bunsod ng taunang adjustment na pinapayagan ng batas bukod pa sa Value Added Tax (VAT) na ipinatupad noong Oktubre 1.

Sa pagtataya, aabot sa 19 na porsyento ang hinihinging dagdag singil sa SCTEX habang walo hanggang 21 porsyento naman sa MC-TEP.

Idinadahilan ng mga tollway operators ang inflation sa pagtataas ng singil. Hindi kasama ang North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) sa napipintong toll hike dahil tuwing ikalawang taon ang pagpapatupad nila nito.

Samantala, ipinahayag naman ni Corpuz na binawi na ang notice para sa paniningil ng pass through fee sa mga motoristang dumaraan sa Hacienda Lusisita. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply