Trade liberalization isusulong ng 21 APEC leaders

NAGKASUNDO ang 21 APEC leaders na isulong ang trade liberalization para makabangon mula sa naging epekto ng global recession noong 2008-2009.

Bahagi ito ng joint declaration na inilabas ngayon matapos ang tatlong araw na APEC Leaders’ Summit sa Honolulu, Hawaii.

Sa ulat, sinasabing nakapaloob sa deklarasyon na napapanahon ang meeting sa gitna ng financial crisis kung saan ilang bansa ang nababaon sa utang at maraming trabaho ang nawawala.

Base sa dokumento na nilagdaan nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dapat seryosohin na ang pag-uusap sa tinatawag na Doha Development Agenda (DDA) na matagal nang nabibinbin.

Ang DDA ay mananatiling pangarap na lamang umano kung tulad sa nakaraan, hanggang negosasyon lang at wala namang kongkretong hakbang na ginagawa tulad ng pagbibigay-daan sa mas malayang kalakalan.

Kaugnay nito, muling pinagtibay ng APEC leaders ang kanilang commitment laban sa protectionism at hinikayat ang World Trade Organization na maging katuwang sa pagkamit ng DDA.

Ang protectionism ay matagal nang problema sa regional trade dahil hindi nakakapasok ang ilang investment sa mga bansang nagpapairal ng mahigpit na regulasyon sa kalakalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply