Traffic advisory sa ‘Run for the Pasig River’

MAGPAPATUPAD ng traffic re-routing ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) kaugnay sa gaganaping “11.20.2011 Run for the Pasig River” bukas (Nobyembre 20).

Sa traffic advisory, ang mga motorista na nais dumaan sa Roxas Boulevard  ay pinayuhan na humanap na lamang ng alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon upang makaiwas sa masikip na daloy ng trapiko bunsod ng pagsasara ng Roxas Boulevard mula sa Katigbak Parkway hanggang P. Ocampo Avenue mula 1:00 ng madaling araw hanggang sa pagtatapos ng event.

Ide-detour naman ang mga sasakyang patungo sa southbound na nais dumaan sa Roxas Boulevard  pakaliwa sa P. Burgos avenue, kakanan sa Maria Orosa Avenue, kakanan sa T.M. Kalaw avenue, kakaliwa sa M.H. del Pilar avenue, kaliwa sa President Quirino avenue, kanan sa Mabini at patungo sa F.B. Harrison o Taft Avenue hanggang sa kanilang point of destination.

Habang ang mga sasakyan naman na northbound ay ide-detour sa Buendia (dating Gil Puyat avenue), kakaliwa sa F.B. Harrison o Taft avenue, at kakaliwa sa President Osmena Highway patungo sa kanilang destinasyon.

Nabatid na ang taunang fun run para sa Pasig River ay sisimulan sa iba’t ibang bahagi ng Roxas Boulevard depende sa distansiya na tatakbuhin (3K, 5K at 10K) at magtatapos sa SM Mall of Asia Globe.

Ang assembly time ay 3:00 ng madaling araw at ang gun start ay 4:45 ng madaling araw.

Ang fun runa na ginanap noong nakaraang taon at tinawag na “10.10.10 Run for the Pasig River” ay nilahukan ng 116,086 participants at sinasabing naitala sa Guinness Book of World Records. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply