Trailer pa lang ng ‘El Presidente’ ni Mama Guy, nakapaninindig balahibo na

NAPANOOD na namin ang movie trailer ng pelikulang “El Presidente” ni Nora Aunor at Gov. ER Ejercito at nakapaninindig-balahibo talaga ang acting ni Ate Guy sa nasambit na proyekto at kahit siguro hindi ka tagahanga ng Superstar, siguradong mapahahanga ka niya. Kung dati-rati’y sinasabi ng iba na mata pa lang daw ay umaarte na ang aktres, ngayon nama’y pati pagbuka ng kanyang bibig ay malalaman mo na ang mga susunod na linya at dayalog niya.

Kahit na si Gov. ER nakita naming mas lalong humusay sa pag arte lalo’t kasama si Ms. Nora Aunor.

Ngayon pa lang, nakasisiguro na kaming inaabanagan na ito ng mga fans ng aktres at kahit siguro mga fans ni Ate Vi.

Kung matutuloy, may plano rin ang ating nag-iisang Superstar na mag-produce ng isang Indie Film bago bumalik ulit sa States.

Tungkol naman sa mga naglalabasang isyu na kesyo sabrang baba raw ang ratings ng “Sa Ngalan ng Ina,” deadma lang si Mama Guy. Ang importante raw ay kumikita naman ang kanyang mga producer at ang TV5 mismo sa rami ng mga sponsor.

***

SOBRANG naaliw kami sa presscon at album launching ng baguhang singer na si Raia Quiroz. Una nga’y sobrang bongga ang venue kung saan ginanap pa ito sa Rembrant Hotel diyan sa Quezon City.

Mula sa Buena familia at isang OB montessori student ang talented na newcomer na alaga ni Lito de Guzman.

Ang maganda pa, sobrang humble na humarap sa mga press people noong Sabado ng gabi, (Nov. 5, 2011) ang ating dalagita.

Full support din kay Raia ang kanyang mga parent sa naturang presscon at pati yata kanyang mga kapatid at lola ay sinaksihan ang unang pagharap niya sa mga kapatid  nating matataray sa panulat.

Sa nabanggit na press album launch, inawit nito ang carrier single ng kanyang album na “Tara Na.”

Teka lang, bakit wala yata roon ang isa sa dalawang composer ng kanyang album na si Boy
Christoper? Si Blanktape lang kasi ang namataan naming sobrang na-impress rin sa pagsagot-sagot ni Raia sa mga katanungan sa kanya ng working press.

Salamat din sa tulong ng kapatid naming si George Vail Kabristante na siyang nagtiyagang nag-workshop sa alagang ito ni Mother Lito kaya naging kampante sa pagharap sa movie press. Ang tanong, inspired ba si Raia nang gabing yun dahil may boyfriend na ito? Hindi yan ang naging tugon sa amin ng kanyang Mommy Gloria.

Sa ngayon, wala pa raw sa isip nitong mag-boyfriend. Pag-aaral daw muna ang nasa isip ni Raia at ang kanyang singing career.

Bukod sa Tara Na, nakapaloob din sa kanyang debut album ang mga awiting Baby Sorry Na, Hay Naku, Mini Mini Maynimo, Muntik Na, Para Kang Cellphone, Pangarap, at Ikaw Lang. Released and distributed by Concorde records, ngayon pa lang ay sasabihin na naming mas may paglalagyan talaga sa kanyang singing career itong si Raia with her manager na si Lito de Guzman na magaling magpasikat ng mga talents. Kahit itanong mo pa sa kanyang mga naging alagang sina Ynez veneracion, na may career ngayon sa “Munting Heredera” ng GMA-7 at kay Hazel Espinosa na nasa “Daldalita!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply