Trak ng Purefoods flour hinaydyak sa Batangas

ISANG trak na naglalaman ng 350 sako ng harina ang hinaydyak ng hindi nakilalang mga suspek sa Bgy. Sto. Cristo, San Jose Batangas ngayon lamang.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng Isuzu Forward truck  (UGG-724) sakay ang 350 sako ng Purefoods flour na nagkakahalaga ng P320, 000 nang harangin ng mga suspek.

Ayon sa driver na si Reyniel Munoz Cruzat, isang hindi nakilalang armadong lalaki na sakay ng pulang van ang unang humarang sa kanila saka inutusan siyang imaneho ang trak patungong Balayan, Batangas.

Pagdating sa lugar ay pinababa ang drayber bago itinakas ang trak ng iba pa nitong kasama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply