Trak tumimbuwang sa Antipolo: drayber patay, pahinante kritikal

PATAY ang isang truck driver habang sugatan ang pahinante nito makaraang maaksidente ang delivery truck na umano’y umiwas na mabangga ang isang tricycle sa Antipolo City, madaling-araw ng Sabado, Nobyembre 5.

Ayon sa report ng dzBB, pinilit na iwasang mabangga ng elf-type truck ang isang tricycle sa kahabaan ng Olalia Road.

Nabatid na nasawi si Junie Masinas habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang pahinante na si Johnny dela Cruz sa Amang Rodriguez Hospital.

Batay sa imbestigasyon, magde-deliver sana ang naturang trak nang mangyari ang insidente.

Nawalan ng kontrol ang trak at gumewang-gewang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply