Trapik at 60kph na takbo

SUBUKIN ninyong magmasid sa paligid, Suki, at may kakaibang nagaganap.

Grabe na ang trapik, hindi ka pa makatatakbo nang mabilis-bilis sa dalawang malalaking lansangan.

Sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at sa Diosdado Macapagal Boulevard sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque.

oOo

Nasubukan na ba ninyong tumbasan ng halaga ng piso ito, Suki?

Mahirap gawin.

Pero sa kuwento ng lahat ng mga labis na naaapektuhan, napakalaki ang mga nasasayang na halaga.

Lumaki ang gastos ng lahat ng mga motorista sa gitna ng napakamahal nang petrolyo.

Marami namang obrero ang binabawasan ng sahod sa kanilang pagiging late sa trabaho.

Kontraktuwal na nga sila at dinadaya sa kaltas sa PagIBIG, Philhealth at SSS, lalo pang lumiliit ang kanilang kita sa pagbabawas sa kanilang mga sahod sa pagiging late.

Heto pa, Suki.

Nagpipiyesta ang mga namemera sa kalsada.

Marami ang nasisiraan sa kalsada dahil sa oberhiting ng mga makina, nalulusutan ng mga preno at klats.

Dahil dito, pinagkakape-rahan sila ng mga tower ng MMDA, mga pamahalaang lokal at iba pa.

Dahil naman sa pagkakasupot ng mga pampublikong sasakyan, kung naghahanap sila ng mga malulusutan, alam ba ninyong ang daming nag-aabang sa kanila at tinitira sila sa tiket ng awt op layn?

oOo

Kung iisipin, Suki, ang pamahalaan ang may likha ng mga gusot na ito.

Panay-panay  ang  paghuhukay ng mga kontratista sa mga lansangan at iba pang imprastraktura na pinagagawa nito.

Ito rin ang may gawa ng bilis sa kalsada na 60 kilometro kada oras.

At ang mga tauhan nito ang nangongotong sa mga kalsada at nagpapamulta sa mga nasisirang sasakyan.

PNoy, paano itutuwid ang ganitong klase ng daan, huh?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply