Travel abroad ni GMA kinuwestyon na ng DoJ sa SC

PORMAL nang kinuwestyon sa pamamagitan ng consolidated motion for reconsideration sa Supreme Court (SC) ng Department of Justice (DoJ) at Office of the Solicitor General ang ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ang pagharang sa umiiral na watchlist order ng kagawaran laban sa mag-asawang Arroyo.

Sa 37 pahina ng mosyon, iginiit ng DoJ ang kanilang mga dahilan kung bakit hindi marapat
na pahintulutan sina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo
na makalabas ng bansa.

Partikular na iginiit nina Justice Sec. Leila de Lima at SolGen Anselmo Cadiz na ang
karapatang bumyahe ay hindi umano absolute.

Dagdag pa sa mosyon na sa pamamagitan ng TRO ay halos nadesisyunan na ang naka-pending na kaso at ang proceedings sa iba pang aspeto nito ay mistulang mababalewala na.

Una rito, alas-8:20 ng umaga kanina nang maisilbi ng tauhan ng korte ang kopya ng TRO sa tanggapan ni De Lima.

Kung maaalala pinigilan kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 na  makaalis ng bansa si Mrs. Arroyo kasama si dating First Gentleman Mike Arroyo at iba pa.

Hindi tinatakan ng immigration authorities ang dokumento ng mga Arroyo dahil sa direktiba ng DoJ kaya nabigo silang makasakay ng eroplano patungong Singapore.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply