Travel abroad ni GMA pinahaharang ni PNoy

MAY basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang hakbang ni Justice Secretary Leila de Lima na atasan ang lahat mga tagapagpatupad ng batas na harangin ang first couple sa posibleng pagtakas ng mga ito sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na inatasan na niya si Transportation Secretary Mar Roxas na magpalabas ng kautusan sa lahat ng uri ng transportasyon sa NAIA at sa karagatan na huwag hayaang makalabas ng bansa sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahit nakapagpalabas na ng TRO ang SC na pumapayag na makapagpagamot sa ibang bansa ang dating lider.

Katuwiran ni Sec. de Lima, hindi pa niya natatanggap ang opisyal na kopya ng TRO na ipinalabas ng SC.

Kinalampag din ni Sec. de Lima ang BI personnel, airport authorities, NBI at PNP na bantayan ang bawat galaw ng dating first couple.

Iyon nga lamang ay hindi maaaring arestuhin ang mga ito dahil sa wala namang ipinalabas na warrant of arrest sa mag-asawa.

Samantala, isang malaking palaisipan naman kay Sec. de Lima ang tila pagmamadali ng first couple na makalabas ng bansa lalo pa’t napag-alaman niya na apat na bookings ang inaayos ng kampo ni Mrs. Arroyo sa NAIA.

Binigyang diin ng opisyal na naiinis siya sa nangyari at sa malinaw na pangha-harass ng kampo ni GMA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply