TRB: Walang toll hike hanggang sa matapos ang taon

TINIYAK ngayon ng Toll Regulatory Board na walang magaganap na pagtaas sa singil sa toll sa mga pangunahing espressway sa Luzon hanggang sa matapos ang 2011.

Ayon kay Julius Corpuz, tagapagsalita ng TRB, malabong magkaroon ng pagtaas sa singil sa toll hanggang sa Enero 1, 2012.

Ito ay dahil hindi pa napagdesisyunan ng ahensya ang naunang inihaing petisyon ng mga operator ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway para sa toll hike sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Corpuz na hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng TRB ang lahat ng mahahalagang datos upang maibigay nila ang pinaka-angkop na desisyon.

Ani Copuz, kailangan pa ring sumailalim muli sa public hearing ang petisyon ng mga operator bago magkaroon ng dagdag na singil sa toll.

Itinakda ng TRB ang pagdinig sa toll hike petition ng mga operator sa ika-1 ng Disyembre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply