Treasurer pinugutan, pinutulan ng ari

PINAGSASAKSAK hanggang sa malagutan ng hininga ang isang barangay treasurer ng Davao del Sur bago pinutulan pa ng ari ng kanyang nakaalitan sa ulat ng pulisya nitong Linggo.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Eduardo Malampang, alyas Eddie, 44, barangay treasurer ng Barangay Galapu-an, Don Marcelino, Davao del Sur.

Target na ng manhunt operation ng mga kagawad ng Davao PNP ang 22-anyos na suspek na si Eduardo Matabang Jr., isang habal-habal driver ng nabanggit na lugar.

Matagal na umanong may alitan ang dalawa at matindi ang kimkim na galit ng suspek sa biktima na pinaghihinalaan niyang may relasyon sa kanyang misis.

Sa inisyal na pagsisiyasat, napag-alamang naganap ang krimen alas-2:20 ng hapon kahapon nang walang sabi-sabing undayan ng saksak ni Matabang si Malampang nang magkrus ang kanilang landas.

Hindi pa nakuntento ang suspek at bago tumakas ay pinutulan pa ng ari ang biktima.

Lumalabas pa na bago naganap ang pamamaslang ay pinagharap na ang dalawa sa kanilang barangay hall upang ayusin ang kanilang sigalot subalit naghiwalay na hindi nagkakaaregluhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply