Tricycle driver na holdaper nadakip

SHOOT sa piitan ang isang tricycle driver matapos holdapin ang pasaherong estudyante sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Johnny Ocupan, 32, ng Tanza, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw, sakay ng suspek si Gerald Estacion, 18, at pagsapit sa Acohom st., Dagat-dagatan ng lungsod ay hinoldap ni Ocupan.

Kinukuha ng suspek ang cellphone ng biktima subalit nanlaban ang huli na naging dahilan upang makatawag pansin sa mga nakatambay.

Sinaklolohan ng mga tambay ang biktima na naging dahilan upang madakip ang suspek. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply