Tricycle driver patay sa boga

UTAS ang isang tricycle driver matapos itong malapitang barilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin kaninang madaling-araw sa Brgy. Bagong Silang Caloocan City.

Ang biktima na hindi na nagawang maisalba ni  Dr. Fano  ng Jose Rodriguez Hospital sa Tala sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa kanang dibdib ay nakilalang si Allan Alcala, 41, may asawa ng Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nabatid nag-aantay ng pasahero ang biktima sa lugar dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang biglang lapitan ng suspek na nagpanggap na pasahero at biglang na lamang itong nagbunot ng hindi pa batid ng kalibreng baril at pinaputukan si Alcala sa dibdib.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin habang ang biktima ay agad namang dinala sa nasabing pagamutan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang tunay na motibo sa pamaslang habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa nasabing salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply