Tricycle swak sa kanal: 3-anyos, buntis dedbol

NASAWI ang isang 3-anyos na bata habang nasa malubhang kalagayan ang limang buwang buntis na ina nito makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang tricycle kaninang umaga sa Purok Center, Barangay Topland, Koronadal City.

Hindi na umabot pang buhay sa South Cotabato Provincial Hospital ang batang nasawi at ang buntis na si Kris Pesaña nang maaksidente ang tricycle patungong sentro ng lungsod ng Koronadal kaninang pasado alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng nasabing tricycle na nakilala lamang na si Deliña nang biglang tumawid sa daan ang isang aso dahilan para magtuluy-tuloy na nahulog sa kanal.

Sugatan din ang iba pang pasahero na kasama ng mag-ina na agad namang dinala sa South Cotabato Provincial Hospital.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply