Trillanes nahalal bilang TATAP president

PORMAL ng nahalal na pangulo si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP), ang opiysal at kinikilalang pambansang lupon para sa naturang sports.

Si Trillanes ay unang naluklok bilang acting president, at ngayon ay nahalal bilang presidente ng asosasyon sa halalang naganap noong ika-30 ng Oktubre 2011 sa TATAP Office sa Malate, Maynila.

“My election further confirms the trust and confidence of the board and members of TATAP. This will serve as an inspiration to further strengthen TATAP, support the welfare of our table tennis players and promote the sport all over the country,” ani Trillanes.

Dagdag pa ng senador: “To do that, we have planned to strengthen the national junior program by introducing table tennis at the grassroots level, which we hope to turn into a breeding ground for future champions.”

Suportado rin ni Trillanes ang mga kinatawan ng bansa para sa table tennis na lalahok sa 26th Southeast Asian Games na gaganapin mula Nobyembre 11 hanggang Nobyembre 22, 2011 sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Trillanes, ipagpapatuloy niya ang mga programa sa nasabing sports na tunay namang malapit sa kaniyang puso, bilang dating manlalaro ng table tennis noong high school pa lamang at kadete pa siya sa Philippine Military Academy.

Idinagdag pa ng senador: “We will stop politicking in this sport and focus on the programs we will set forth for the development of table tennis.”

Matatandaang hindi kinilala ng Philippine Olympic Committee ang pagiging TATAP acting president ni Trillanes noong nakaraang taon habang ang senador ay nakakulong pa sa Camp Crame.

Kasama ni Trillanes, ang mga bagong halal na opisyal at board of trustees na sina Jacinto Omila Jr., Chairman; Jose Ortalla, Vice-President; Prof. Oscar Santelices, Secretary; Engr. Eddie Tadea, Treasurer; at Jessica Honorides, Auditor.

Ang iba pang mga nahalal na board members ay sina Victor Valbuena, Mayor Eduardo Dimacuha at Dario Hernane.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply