TRO epektib pa; GMA ‘di makaalis dahil sa arrest warrant

IPINALIWANAG ngayon ng Supreme Court na nananatiling epektibo ang temporary restraining order (TRO) na kanilang ipinalabas sa watchlist order laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nilinaw ni SC spokesman Jose Midas Marquez sa ginanap na emergency press conference ngayong hapon na dahil sa inilabas na arrest warrant ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 laban kay Arroyo para sa kasong electoral sabotage ay hindi na maaaring lumabas ng Pilipinas si Gng. Arroyo.

Sa kasalukuyan ay patungo na ang grupo ng National Bureau of Investigation sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City upang isilbi ang warrant of arrest kay dating Pangulong Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply