TRO ng SC may bisa pa rin

HINDI basta-basta mapawawalang-bisa ang temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa watch list order na inilabas ng Department of Justice (DOJ) laban kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ito ay sa kabila ng isinampang electoral sabotage case ng Comelec sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban sa dating first couple kanina.

Ayon kay Senior State Prosecutor Peter Ong, hindi agad-agad magiging moot and academic ang TRO ng Kataas-Taasang Hukuman sa WLO laban sa mag-asawang Arroyo dahil aalamin pa ng hukom na hahawak sa kaso ang merito na pinagbatayan ng Comelec para iasunto ang mga Arroyo.

Aniya, maaari ring magpalabas ang High Court ng hiwalay na TRO sa lower court para huwag munang dinggin ang kaso habang nakabinbin pa ang petisyon na kumukuwestyon sa legalidad ng pagkakabuo ng joint Comelec-DOJ investigating panel na siyang nag-iimbestiga sa reklamong electoral sabotage laban kay Gng. Arroyo at sa iba pa na dawit sa umano’y dayaan noong 2007 elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply